Hindi maitatatwa na nasa dugo ni Paolo Benigno Aguirre-Aquino IV - mas kilala sa pangalang Bam - ang pulitika.
Katunayan, napaka-impluwensiya at napakalawak na political dynasty sa bansa ang siguradong susuporta kay Bam.
Simula sa Antipolo hanggang sa Tarlac ay may kamag-anak si Bam na nanunungkulan, nanungkulan at kumakandidato.
Makikita na ang pamangkin ni dating Pang. Cory Aquino at Ninoy Aquino, pinsan ni Pang. Noynoy Aquino sa tiyuhing nitong si Paul Aquino ay may masasandalang mga political dynastic families.
Nasa ibaba ang ilan sa mga kilalang pulitiko na kung hindi naman tiyahin, tiyuhin ay pinsan ni Bam sa maiimpluwesiyang pamilyang Aquino, Cojuangco at Sumulong.
Katunayan, itinuturing na balwarte ng mga Aquino at Cojuangco, na nagpapalitan lamang bilang political lords, ang Tarlac habang ilang dekada nang nakaupo ang mga Sumulong sa Antipolo.
Name | President | Senator | Congressman | Governor | Vice Governor | Mayor | Appointive position |
Benigno Simeon “Igno” Aquino Sr. | 1928 - 3rd Senatorial Disctrict (Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga) | 1919 - 1928 Philippine Legislature ( 2nd District of Tarlac) 1935 - -1937 - representative of Tarlac during the Commonwealth 1941-1944 Served as director general of the KALIBAPI, and speaker fo the house under the Japanese collaborationist government of Jose P. Laurel | Served as Secretary of Agriculture and commerce during the Manuel L. Quezon presidency | ||||
Corazon Sumulong Aquino | 1986 - 1992 | ||||||
Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr. | December 30, 1967 – September 23, 1972 | December 30, 1961 – December 30, 1967 (Tarlac) | December 30, 1959 – December 30, 1961 (Tarlac) | December 30, 1955 – December 30, 1959 (Concepcion, Tarlac | |||
Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III (PNoy) | June 2010-current | 30 June 2007 – 30 June 2010 | 30 June 1998 – 30 June 2007 (2nd District Tarlac) | ||||
Agapito Aquino | June 30, 1987 – June 30, 1995 | June 30, 1998 – June 30, 2007 (Makati 2nd District) | |||||
Teresa Aquino-Oreta | June 30, 1998 – June 30, 2004 | June 30, 1987 – June 30, 1998 (lone district of Malabon) | |||||
Peping Cojuangco | June 30, 1987 – June 30, 1998 (1st district Tarlac) | 1959–1961 | |||||
Tingting Cojuangco (asawa ni Peping) | UNA senatorial candidate | ||||||
Eduardo Cojuagco | December 30, 1969 – September 23, 1972 (1st district Tarlac) | December 30, 1967 – February 25, 1986 | |||||
Gibo Cojuangco-Teodoro Jr. | Ran for the presidency in 2010 but eventually lost to cousin Noynoy | June 30, 1998 – June 30, 2007 (1st District Tarlac) | August 3, 2007 – November 15, 2009 - Secretary of National Defense | ||||
Juan Sumulong (grandfather of Cory) | Leading opposition leader during the commonwealth era | ||||||
Lorenzo Sumulong | December 30, 1949 – December 30, 1967 | May 25, 1946 – December 30, 1949 | |||||
December 30, 1969 – September 23, 1972[1] | |||||||
Victor Sumulong | June 30, 1998 – June 30, 2004 - Antipolo lone district June 30, 2004 – June 30, 2007 (Antipolo 2nd District) | June 30, 2007 – January 6, 2009 (Antipolo City) |
Bagamat masasabing nasa dugo ni Bam ang pagiging pulitiko, hindi ito nangangahulugan na dapat siyang pumasok sa pulitika.
Ang pagpasok ni Bam sa pulitika ay pagpapalawak at pagpapanatili sa Aquino political dynasty. Kesyo may public service o wala, political dynasty is political dynasty.
Sa ganitong pananaw, kitang-kita na ginagamit ni Bam ang impuwensiya ng kanyang pamilya. Sinasakyan niya ang popularidad ng apelyidong Aquino, na siya ring ginawa ng kanyang mga pinsang sina Teresa Aquino-Oreta at Agapito Aquino upang maluklok sa Senado.
Katunayan, ginagaya pa niya ang hitsura ng kanyang tiyuhing si Ninoy Aquino.
Tama ba ito?!
Kung gusto niyang maupo sa Senado, sa tingin ko mas maganda kung ito ay base sa sarili niyang kakayahan at hindi sa kapangyarihan ng kanyang apelyido. Kung magkaganito, ano ang maipagmamalaki niya sa sarili? Sa taumbayan?
Kaya ang tanong, ano na ba ang nagawa ni Bam upang masabing may karapatan siyang tumakbo bilang Senador?
Maliban sa ilang taong panunungkulan sa National Youth Commission (NYC) ay wala pa naman talagang napapatunayan si Bam. Ang senado ay senado, hindi kailangan dito ang mga bagitong walang muwang sa totoong mundo.
Dahil dito, malinaw pa sa araw na sinasakyan lamang niya ang popularidad ng kanyang apelyidong Aquino at umaasa ng boto mula sa impluwensiya ng kanyang nakaupong pisang si Noynoy Aquino.
Sakaling magwagi si Bam at maluklok sa Senado, asahang magiging tagasunod lamang siya sa kanyang pinsan at asahan din na ang interes ng kanyang pamilya ang uunahin kumpara sa interes ng sambayanan.
Kaya’t sa halalan ngayong Mayo 2013, mag-isip tayo. Kailangan pa ba ang isang Aquino sa Senado?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento